Posts Feed
Comments Feed

Archive for the 'MRT passengers' tag

Para sa Mga Mananakay sa MRT

Ilang maikiling kwento mula sa mga mananakay sa MRT:

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Text messages ng isang isang lalaki sa kanyang asawa:

10:30pm Pauwi na ako nasa MRT Buendia train na. Busina na lang ako pagdating.

11:34pm Nasa MRT Quezon Ave pa lang kami. Nakasakay sa MRT Buendia mga 10:30pm mag-1 hour na kami sa loob ng train, puro hinto tapos ang tagal kung huminto.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JEM, 18, taga QC, estudyante. “I was listening to the songs in my phone when the music suddenly stopped. I thought my phone’s battery juice ran out. It turned out someone stole my phone from my bag! Bad experience!”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CL, 45, taga QC, business woman. “Naku, pag may meeting ako sa Makati dapat lunch time, nag-MRT na lang ako kasi traffic sa EDSA. Mas mabilis pa at di ako pagod magdrive. Pagbaba naman ng mga station may mga taxi na.”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

RP, 29, taga bandang South, office admin sa Ortigas. “Isang di ko makalimutang experience  sa MRT nung madukutan ako ng wallet. Nandun ang money ko siyempre, buti na lang may extra ako sa bag kaya may pamasahe ako pauwi. Ang masaklap pa, yung credit card at ATM madaming kailangang gawin pag-file sa bank. Wala naman ako magawa kundi sumakay dito kasi ito lang pinakamabilis na way papunta sa masasakyan ko pauwi sa amin.”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JF, 45, teacher taga Quezon City. “Every Friday may sched ako sa Makati, 1-3pm. Wala naman ako naexperience na hindi OK pagsakay ng MRT kasi patay na oras yun, pwede ka pa nga pumili kung saan mo gusto umupo. Pag-uwi bandang 3:30pm, di pa rin puno although kung minsan nakatayo na ako at usually sa Cubao station, nakakaupo na ako.”

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hindi magiging hassle-free ang pagbyahe sa MRT dahil sa kabi-kabilang problema kaya dapat laging handa kung magkaroon ng aberya.

Anu-ano nga ba ang dapat mong dala-dala para maing kaiga-igaya ang pagsakay mo sa MRT kahit may aberya?

  1. Music player at ear phones upang makapakinig ng music na pang-alis ng inip at stress. Huwag gamitin ang mobile phone na music player dahil baka madukot ito siksikan ng mga tao. At least, ang music player, maliit at handy.
  2. Wet tissue o alcohol panlinis ng kamay pagbaba ng MRT. Dahil hindi pwedeng hindi humawak sa metal poles at handles (kapag sobrang siksikan kahit hindi ka humawak hindi ka matutumba) habang umaandar ang train, kailangan mag-sanitize upang makaiwas sa sakit.
  3. Pamaypay. Aircon nga ang mga tren ngunit kapag sobrang puno, mainit na. Kapag siksikan, itago na lang ang pamaypay dahil walang ispasyo para magamit ito.
  4. Panyo pantakip sa ilong at bibig kapag siksikan na at hininga na ng katabi ang nalalanghap.
  5. Bag na may zipper ang gamitin upang hindi madukutan.
  6. Gums or candies gaya ng menthol candies o breath mints upang manatiling mabango ang hininga dahil matagal-tagal na hindi bumubuka ang bibig lalo na kung walang kausap.
  7. Pasensiya. Patience is a must kapag sumasakay sa MRT. Magbaon ng marami niyan dahil sigurado, iyan ay kailangan-kailangan.

Narito ang buong artikulo sa Philippine Online Chronicles.

 

No Comments »